Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

May mga panahon sa buhay ko na nalulungkot ako. Nalungkot ako noong namatay ang aso ko, ang kuko ko at ang buhok sa kili-kili ko. Pero ngayon mas nalulungkot ako. Magkahalong lungkot at galit ang nararamadaman ko. Para bang naiihi ako sabay natatae, ganun na ganun ang nararamadaman ko. Malamang natatanong niyo na rin kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Hindi po dahil sa namatayan ako ng kuko o nalagasan ng buhok sa singit ko. Mas matindi pa dun.

Naranasan niyo na ba na mabigo bago niyo pa magawa ang isang bagay? Hirap maintindihan, noh? Kumbaga para kang nabiyudo sa pagkabinata. Ganun. Gets? Isa pang example, gusto mo maging piloto pero dahil sa apat na taon ka nagtraining sa loob ng Pamantasan Malapit sa Airport eh nung grumaduate ka eh borderline ka na ng age limit. Samantalang ang mga kontemporaryo mo na isang taon lang nagtraining, mas bata nakagraduate. Halimbawa lang naman yun, pero bwakanangenangyan nakakainis.

Humigit kumulang na 2MILYON ang ginastos ng gobyerno para pag aralin ako sa Pamantasan pero pagkatapos ay magiging 2nd class officer lang naman pala ako. Samantalang ang mga kulang kulang 15 buwan lang nagtraining ay makakapagpalipad ng eroplano kasi nga naman ang iksi ng training nila, kaya pasok sila sa edad. Kulang kulang kalahati ng mga mistah ko di  man lang nabigyan ng pagkakataon makapag-exam. Totoo pa kaya ang sinasabi nila na ang mga katulad ko na graduate sa Pamantasan ang magiging “leaders of the AFP and the nation?” sana magising na ang mga nasa taas bago pa sila bangungutin.

jarhead baby

let's go infantry

BUO NA ANG LOOB KO. PAINT MY FACE WITH BLACK AND GREEN, YOU CANT SEE ME, I’M A RECON MARINE!

   ilang araw na lang pasko na naman. uuwi na ako sa bahay namin. yes! sa wakas di na ako uuwi sa bahay ng iba. masaya ako at makakasama ko na ang pamilya ko. pero medyo nakakalungkot din ang pasko ko kasi magiging malamig ito at hindi lang yun, wala ako pang reagalo. (utot)

hay buhay. 2 months ago (naks english) mahigit 28k ang savings ko. pakatapos ng semestral break at magbayad para sa singsing ng class namin, wala nang natira sa aking pera. anu kaya kung isangla ko na lang ang bull ring ko?? hmmm di yata pwede kasi parang pwet ng baso ang bato. mas mapagkakamalan pang kalawang ang kulay kesa ginto. hays. panu na lang ako nito sa pasko? kawawa ang mga inaanak ko. anyway, isa  pa lang naman pala ang opisyal na inaanak ko. meron nga lang na sumusulpot na iba jan at biglang sinasabi na inaanak ko daw anak niya. aba’y naku! minsan hindi ko nga alam na may anak na pala siya tapos inaanak ko pa. omaygulay! ngayon alam ko na na mayroon talagang mga singaw ng lupa.

   on the other hand, masaya din ako kasi makakauwi ako sa bahay namin. at alam ko reregaluhan na naman ako ng butihing lola ko. buti pa siya may regalo sakin. ako? yung presence ko na lang ang regalo ko sa kanila. [champion!] may konting panahon pa, sana dumating si santa para masaya ang pasko. regaluhan nya na lang sana ko ng gelpren. ihihihi

ooooyah

Malapit na naman ang HOP ( js prom kumbaga) namin. As usual wala na naman akong partner. Suicide squad ang tawag sa mga kabaro kong ngpupunta ng hop para uminom ng red wine hanggang sa malasing at mangutya ng mga partner ng iba. ( bitter ba?!?)

Di ko alam kung bakit wala akong mahanap na drag. Drag ang tawag sa mga partner ng kadete sa hop, kasi kaladkarin kinaladkad ng mga tedaks ang mga malas na babae sa session road. Siguro dati yun. Pero ngaun di na kinakaladkad ng mga kadete ang partner nila, kinikidnap na. Enewei, back to my sinasabi, bakit kaya wala akong drag. Wafu naman ako sabi ng lola ko. Andami kasing babae ang malalabo na ang mata dahil sa kakapanood ng youporn youtube. Di tuloy nila makita ang beauty iside me. ( ang kumontra may kulangot sa pwet)

Anu nga ba ang dapat ko gawin para makabiktima makakuha ng magiging partner sa hop? Ayoko naman mgpa-Belo at baka may lumabas din na scandal ko; makita pa nila ang balat sa pwet ko.

Kung sino man ang mabait at maganda ang loob diyan at papayag maging drag ko, maari lamang makipag-ugnayan sa akin. Magbabayad ako nang malaki sa sinuman na may lakas ng loob makisayaw sakin sa Hop 2009. juk Hay buhay mahirap talaga maging mabait, sana naging gwapo na lang ako. ampotek

FTX 2009

FTX 2009

Para na naman akong bulbol, buhol-buhol at magulo. Hindi ko na alam kung anu uunahin ko. Sarap itaas ang aking himpapakyu ko at sumigaw na sana magsara ang ututan ng mga nagpapahirap sa buhay ko. gusto ko man gawin pero di ko magawa. Wala silang awa at puro sakin ang gawa.

Buti na nga lang at may nagpapaganda sa araw ko, minsan naman eh gabi ko ang pinapaganda niya. Omaygulay, minsan na nga lang kami mag-usap kailangan pa talagang talagang skoolwork pa ang pag-usapan. Minsan nagkukumustahan kami, pakatapos ng limang minuto balik na naman sa skoolwork ang usapan. Ang sarap siguro patayin ng kung sino man nakaimbento ng skoolwork na yan. Minsan naman ay dahil sa sobrang pagod eh nakakatulog ako na di man lang naka-pag gudnayt at aylabyu (babasagin ko mukha ng tatawa jan) sa kanya. Omaygas.

Sana…….

may load pa smartbro ko.. amp0t3k

Kwentong Barracks

Kwentong barbero, kwentong kanto, kwentong loko, kwentong gago, samu’t-saring uri ng kwento. Pero ang mga kwento ko medyo naiiba sa mga nabanggit ko. Sa blog ko makakapulot kayo ng  aral, magandang asal at matututo pa kayo magdasal – lahat ng yan mga pauso ko lang.

Most op da taym sa barracks ako. Marami kaming nakatira sa barracks namin. Iba’t-ibang uri ng tao ang nakakasalamuha ko. May mukhang tao, tsonggo at kabayo. Lahat sila, sa maraming paraan, naging parte ng buhay ko at naging inspirasyon ng blog na ito

Sa munting mundo namin, masaya, mahirap, malungkot, madrama. Sa maliit na piraso ng mundo na matatawag kong tahanan. Sa barracks ko.

melchor

test

try out muna

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.