May mga panahon sa buhay ko na nalulungkot ako. Nalungkot ako noong namatay ang aso ko, ang kuko ko at ang buhok sa kili-kili ko. Pero ngayon mas nalulungkot ako. Magkahalong lungkot at galit ang nararamadaman ko. Para bang naiihi ako sabay natatae, ganun na ganun ang nararamadaman ko. Malamang natatanong niyo na rin kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Hindi po dahil sa namatayan ako ng kuko o nalagasan ng buhok sa singit ko. Mas matindi pa dun.
Naranasan niyo na ba na mabigo bago niyo pa magawa ang isang bagay? Hirap maintindihan, noh? Kumbaga para kang nabiyudo sa pagkabinata. Ganun. Gets? Isa pang example, gusto mo maging piloto pero dahil sa apat na taon ka nagtraining sa loob ng Pamantasan Malapit sa Airport eh nung grumaduate ka eh borderline ka na ng age limit. Samantalang ang mga kontemporaryo mo na isang taon lang nagtraining, mas bata nakagraduate. Halimbawa lang naman yun, pero bwakanangenangyan nakakainis.
Humigit kumulang na 2MILYON ang ginastos ng gobyerno para pag aralin ako sa Pamantasan pero pagkatapos ay magiging 2nd class officer lang naman pala ako. Samantalang ang mga kulang kulang 15 buwan lang nagtraining ay makakapagpalipad ng eroplano kasi nga naman ang iksi ng training nila, kaya pasok sila sa edad. Kulang kulang kalahati ng mga mistah ko di man lang nabigyan ng pagkakataon makapag-exam. Totoo pa kaya ang sinasabi nila na ang mga katulad ko na graduate sa Pamantasan ang magiging “leaders of the AFP and the nation?” sana magising na ang mga nasa taas bago pa sila bangungutin.
BUO NA ANG LOOB KO. PAINT MY FACE WITH BLACK AND GREEN, YOU CANT SEE ME, I’M A RECON MARINE!

unsa daw, buff? di ako sure kung gets ko. super slow ako ngayon. ayaw mo na mag air force?
slightly kinda sorta medyo lang.. aba buti alam mo pa blog ko. kelan nga kasalan?hihihihhi
^message kita sa fb. bantay kung dili ka mag attend. hehehe. oo, nakita ko sa ym mo may bago kang post.
basta ba libre pamasahe..
dong, maluoy ka. matagal na kaming overbudget. sira na calculator ko. hahaha. see you soon.
So may age limit para maging piloto? Like ilang taon ba dapat?
Sorry, curious lang.
meron po.. hehehe
sabi sa YM stat,may new blog entry daw!? :-I
malapit na dok